Pinakamaliit na Player SA NBA signed| Mga Tinangal at injured Bago ang season opener

2 months ago 55

 Sobrang daming heartache ang maririnig nyo sa update natin ngayon, kaya ready na kayo? Kasi malapit na magsimula ang NBA season at kailangang mag-trim ng mga teams. Maraming natanggal, pero grabe, may isang Asian na nakapasok sa NBA! Pinoy ba? Abangan nyo sa dulo! Eto na ang ating NBA transactions update bago mag-start ang season. Kawawa naman yung mga natanggal, pero malay mo, may ibang team na dumampot. Simulan natin sa bad news... oops, sorry, puro bad news pala 'to. Max Strus may ankle sprain, kaya 6 weeks siyang hindi makakalaro. Jarred Vanderbilt, injured na naman sa paa, magiging cheerleader ng dalawang linggo. Matisse Thybulle inoperahan sa tuhod, mga isang buwan siyang bakasyon. Kawhi Leonard? Indefinite na naman ang status dahil sa tuhod niya. Paano na ang Clippers ngayon? By the way, karamihan ng sources natin ay galing kay Shams, legit 'yun! Pero heto, good news naman: Khris Middleton mukhang makakalaro na sa season opener, pero sana ‘di pilitin—nandiyan naman si Antetokounmpo. Sa Dallas, si Luka Doncic may minor calf issue, pero mukhang ready siya sa game opener nila. Excited na ba kayong makita ang pogi na ‘to? Grabe, dami nating updates! Kung gusto nyo mas marami pang ganito araw-araw, tulungan nyo akong palakihin ang basketball following natin. Like, share, at comment lang kayo diyan! Pero hindi pa ako tapos! Kung ang injury temporary, eto talaga, tanggal na sila sa team nila. Aguy! TJ Warren at Chuma Okeke, waived by the Knicks. Landry Shamet, waived din ng Knicks. Kevin Knox, waived ng Warriors. Lonnie Walker, waived ng Celtics. Nassir Little, waived ng Heat. Killian Hayes, waived ng Nets. Nakakalungkot, ang gagaling pa naman ng mga 'to. Pero let’s end on a high note with a couple of good news. Una, kung kasing hilig kita sa basketball at gusto mo ng mas exciting na viewing experience, mag-message ka sa official Facebook page ng Powcast Sports para mag-register sa Arena Plus. Astig yun! At eto na ang pinakamalupit na balita: kahit kasing tangkad ko lang, si Yuri Kawamura ay pumirma ng two-way contract sa Grizzlies! 5’8” lang siya, pero grabe, ang daming assist niya sa pre-season, kaya binigyan siya ng opportunity. Kaya ikaw, wag kang bakaw—akala mo kalakasan? Congrats Japan! Sana next time Pinoy naman.


View Entire Post

Read Entire Article